Sunog sumiklab sa Marikina: 3 sugatan

MANILA, Philippines — Tatlong katao ang sugatan nang sumiklab ang isang sunog sa Marikina City kahapon ng mada­ling araw.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Rhoan Javier, 24, na nagtamo ng posibleng hip fracture; Orlando Santos, 56, na nagtamo ng paso sa kaliwang hita at Juvie Javier, 56, na nagtamo ng sugat sa ulo at pagkahilo.

Batay sa ulat ng Marikina Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na dakong ala-1:40 ng madaling araw nang magsimulang sumiklab ang sunog sa 20 Upper Bulelak, sa Brgy. Malanday Marikina City.

Umabot lamang ang sunog sa unang alarma bago naideklarang under control dakong alas-2:30 ng madaling araw at tuluyan naman itong naapula dakong alas-2:45 ng madaling araw.

Masusi pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy gayundin ang halaga ng mga ari-ariang tinupok nito.

Show comments