San Juan LGU, may job fair sa Mayo 3

MANILA, Philippines — Maglulunsad ang San Juan City government ng job fair para sa kanilang mga residente sa susunod na linggo.

Sa abiso ng lokal na pamahalaan, ipinaskil ni Mayor Francis Zamora sa kanyang social media accounts, nabatid na ang job fair ay isasagawa sa pakikipagtulungan ng Greenhills Malls.

Gaganapin ito mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon sa Mayo 3, 2024.

Inaasahan namang daan-daang trabaho ang naghihintay sa mga interesadong kuwalipikadong job applicants.

“Ang Lokal na Pamahalaan ng San Juan, sa pakikipagtulungan ng Greenhills Mall, ay maglulunsad ng Job Fair para sa mga San Juaneñong kwalipikado at gustong magka-trabaho,” anunsiyo ng city government. “Ang Job Fair ay gaganapin sa May 3, 2024 sa Greenhills Mall, mula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.”

Pinayuhan din naman ng lokal na pamahalaan ang mga interesadong aplikante na magdala ng kanilang government-issued IDs, ballpen at maraming kopya ng inyong resumè, CV o biodata.

Show comments