Caloocan fire: Maglola tepok, 9 sugatan sa sunog

10 aso nalitson

MANILA, Philippines — Patay ang isang maglola habang 9 katao pa ang iniulat na sugatan sa naganap na sunog kahapon ng tanghali sa Brgy. 27 sa  Marcela St. Maypajo Caloocan City.

Ang mga biktima ay nasa 84-anyos at 21-anyos na graduating student.

Ayon kay Epimaco Benito, ama ng pamilya ng estudyante na  may umusok sa unang palapag ng kanilang bahay. Nang pinatay ang main switch biglang sumabog at nagsimula na ang pagsiklab ng sunog.

Lumalabas na sinubukan ng estudyante na iligtas ang kanyang lola subalit na-suffocate na rin siya sa sunog.

Maliban sa maglola, nasa 10 na alagang aso rin ang sinasabing namatay sa sunog.

Tinitignan ng awtoridad na linya ng kuryente ang dahilan ng sunog.

Show comments