HVI timbog sa buy-bust sa Pasig

MANILA, Philippines — Isang drug suspect na itinuturing na isang high value individual (HVI) ng mga pulis, ang nadakip sa isang buy-bust operation sa Pasig City kamakalawa.

Kinilala lang ni Pasig City Police chief PCol. Celerino Sacro Jr. ang suspek sa alyas na “Jeric” ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Batay sa ulat, si Jeric ay nadakip dakong alas-5:10 ng hapon kamakalawa sa isang buy-bust operation sa E. Santos St., sa Brgy. Pinagbuhatan.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek kaya’t ikinasa ang buy-bust operation. Nakumpiska rito ang humigit kumulang sa 55-gramo ng hinihina­lang shabu na may nasa P374,000 ang halaga at buy-bust money.

Ang suspek ay nakapiit na at mahaharp sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa piskalya.

Show comments