2 residential area sa Valenzuela, Quezon City nasunog

Sa report ng Bureau of Fire Protection), dakong alas-12:12 ng madaling araw nang maitala ng sunog sa Brgy. Mapulang Lupa, Valenzuela City na umabot sa ikalawang alarma, bandang alas-12:20 ng madaling araw.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tinupok ng apoy ang dalawang residential area sa magkakahiwalay na insidente ng sunog sa lungsod ng Valenzuela at Quezon nitong Biyernes at Sabado ng madaling araw.

Sa report ng Bureau of Fire Protection), dakong alas-12:12 ng madaling araw nang maitala ng sunog sa Brgy. Mapulang Lupa, Valenzuela City na umabot sa ikalawang alarma, bandang alas-12:20 ng madaling araw.

Nagresponde naman ang mga bumbero na idineklarang under control ang sunog alas-12:52 ng madaling araw at ganap na naapula ala-1:10 ng madaling araw.

Karamihan ng mga residente, ayon pa sa BFP ay mahimbing pang natutulog nang mabulabog sa pagsiklab ng sunog sa kanilang lugar.

Bago ito, nasunog din ang isang residential area sa Brgy. Pinyahan, Quezon City nitong Biyernes ng gabi.

Sa report ng BFP, nagsimula ang sunog dakong alas-11 ng gabi na naitaas sa ikalawang alarma ganap na ala-11:08 ng gabi.

Naapula naman ang apoy sa pagreresponde ng mga bumbero at mga volunteers na idinekla­rang under control dakong alas-11:51 ng gabi at tuluyang naapula bandang alas-12:43 ng madaling araw nitong Sabado.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon sa dalawang insidente ng sunog at inaalam na rin kung magkano ang naitalang pinsala.

Show comments