MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Philippine National Police (PNP) chief PGen. Benjamin Acorda, Jr. ang publiko na manatiling kalmado kung nakakatanggap bomb threats.
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Acorda, bagamat hindi maiiwasan ang bomb threats, mas makabubuti kung mananatiling mahinahon at kalmado ang bawat isa.
Aniya, malaki ang epekto ng mga bomb threats lalo kung maipakakalat sa cellphone at social media na humahantong sa kanselasyon ng klase sa paaralan at trabaho sa mga opisina.
“While bomb threats are a part of our job and are included in our program of activities, the bigger concern is the effect on our targets, especially those in schools. Sometimes, government agency operations and school activities are disrupted,” ani Acorda.
Hindi aniya dapat natataranta o nagpapanik dahil mas nakakadagdag lamang ito sa tensiyon ng mga responding teams.
Mas dapat na sundin ang protocols para na rin sa kaligtasan ng lugar ng bawat indibiduwal.
Giit pa ni Acorda hindi lamang Pilipinas ang nagkaka-bomb threats kaya makabubuting kung mahinahong idudulog sa pulisya upang agad na marespondehan.