Kelot pinagtripan, kinatay ng tatlo

MANILA, Philippines — Patay ang isang 30-anyos na lalaki na pinaniniwalaang pinagtripang saksakin ng tatlong hindi pa nakikilalang suspek, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Hindi na naisalba pa ng  mga doktor sa  Quirino Memorial Medical Center ang buhay niPaul Glenn Olavario Oro,  ng Ronas Garden, Steban Abada, St., Brgy. Loyola Heights, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PCpl Jojo Antonio  nangyari ang insidente dakong alas-10:50 ng gabi sa entrance ng LRT Line 2, Katipunan Station East Bound., sa Aurora Blvd., Barangay Loyola Heights, Quezon City.

Batay sa testimonya ng security guard ng LRT Line 2 Station, na si Jayson Amo, nag- iinspeksiyon siya sa kanyang lugar nang  mapansin niyang hinabahol ng tatlong hindi pa kilalang suspek ang biktima.

Nang makorner ang biktima, dito na pinagbubugbog at pinagsasaksak.

Sinita umano ni Amo ang mga suspek kaya mabilis na tumakas ang mga ito dala ng murder weapons.

Nagsasagawa na ng follow-up operation at investigation ang mga pulis upang matukoy ang mga suspek at motibo sa krimen.

Show comments