Lider ng ‘Celo Drug Group’ arestado muli
MANILA, Philippines — Muling inaresto ng mga pulis ang isang high value individual (HVI) na siya rin umanong lider ng “Celo Drug Group” sa isang operasyong ikinasa sa Rizal kamakalawa ng gabi.
Kinilala lang ni Pasig City Police chief, PCol. Celerino Sacro Jr. ang suspek sa alyas na ‘Ronron,’ 36, residente ng Brgy. Rosario, Pasig City.
Ayon sa Pasig City police, ang suspek, na lider ng Celo Drug Group, ay isang Most Wanted Person, High Value Individual, at listed bilang Regional Target Rank No. 3 ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Batay sa ulat, ang suspek ay inaresto dakong alas-8:30 ng gabi sa custodial facility ng Angono Municipal Police Station sa Brgy. San Isidro, Angono, Rizal makaraang silbihan ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Jennifer Pilar, presiding judge ng Pasig Regional Trial Court Branch 164, dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Drugs Act of 2002, ng mga pulis sa ilalim ng COPLAN “Elite”.
Base sa impormasyon, nakadetine ang suspek sa custodial facility ng Angono Municipal Police Station sa kahalintulad na paglabag, ngunit sa beripikasyon at record check, lumitaw na mayroon din siyang standing warrant of arrest kaya’t muling inaresto.
- Latest