Motor sumemplang, rider todas

Kinilala ang biktima na si Victor Gallego Dela Cruz, residente ng No. 6 Kitanlad St., Doña Josefa, Quezon City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Makaraan ang limang linggong sunod na taas-presyo sa  produktong petrolyo, may pagbaba naman na inaasahan  sa susunod na linggo.Isang rider ang nasawi matapos mawalan ng kontrol sa minamanehong motorsiklo at sumemplang sa kalsada  kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Victor Gallego Dela Cruz, residente ng No. 6 Kitanlad St., Doña Josefa, Quezon City.

Batay sa report ng Quezon City Police District  (QCPD) Traffic Sector 3, naganap ang aksidente dakong ala-1:45 ng madaling araw sa northbound ng Katipunan Ave., Tunnel sa Brgy. Blue Ridge B, sa lungsod.

Nabatid na binabaybay ng biktima  ang kahabaan ng Katipunan (Northbound) galing Libis at patungo sa direksyon ng Aurora Boulevard.

Nawalan umano ng kontrol ang biktima sa minamanehong motorsiklo, nagpagewang-gewang  saka bumagsak sa semento.

Agad dinala sa Quirino Memorial Medical Center ang biktima subalit idineklara na itong patay ng kanyang attending physician na si Doctor Alexandra De Leon.

Show comments