^

Metro

20-anyos, timbog sa ‘sextortion’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
20-anyos, timbog sa ‘sextortion’
Ayon kay Pat. Ian Godfrey Jacinto ng Que­zon City District Anti-Cyber Team, dakong alas-11:20 ng umaga kahapon nang maaresto ang suspek na si Ian Patrick Bautista, residente ng Tondo, Manila matapos na positibong itinuro ng 35- anyos na biktima na residente ng Sangandaan, Quezon City.
Philstar.com/ Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Himas-rehas ang isang  20-anyos na lalaki matapos ireklamo ng ‘sextortion’ ng kanyang naging ka-chat sa Que­zon City.

Ayon kay Pat. Ian Godfrey Jacinto ng  Que­zon City District Anti-Cyber Team, dakong alas-11:20 ng umaga kahapon nang  maaresto ang suspek na si Ian Patrick Bautista, residente ng  Tondo, Manila matapos na positibong itinuro ng  35- anyos na biktima na residente ng Sangandaan, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon, nagkakilala  ang biktima at suspek sa isang Dating Up noong Disyembre 16, 2023 hanggang sa magkapalagayan ng loob at nagkasundo na magkita sa isang inn sa Muñoz, QC.

Lingid sa kaalaman ng biktima, nirerekord na siya ng suspek habang hubo’t hubad at doon na nagsimulang manakot at  manghingi ng  pera.

Dala ng takot, nagbigay ang biktima ng  P35,000 sa pamamagitan ng  GCash hanggang sa maulit ang panghi­hingi ng suspek sa bantang ikakalat ang mga larawan ng biktima.

Bunsod nito, humingi ng tulong ang biktima  sa pulisya at isinagawa ng entrapment operation.

Nakipagkasundo ang  biktima sa suspek na muling magbibigay ng pera para tuluyan nang burahin ang mga larawan at  video.

Agad na ikinasa  ng pulisya ang entrapment operation sa Bago Bantay at naaresto ang  suspek.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article 294 (Sextortion), Article 286 (Grave Coercion) ng RPC  at RA 11313 (Safe Spaces Act) all in relation to Section 6 ng RA 10175  o mas kilalang “Cybercrime Prevention Act of 2012.

ANTI CYBER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with