MANILA, Philippines — Nasa 30 kabahayan sa Brgy. Tanza, Navotas City ang natupok sa pagsiklab ng sunog, Biyernes ng hapon.
Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-4:17 ng hapon nang magsimula ang sunog sa Silais Street, Brgy. Tanza ng lungsod.
Alas-4:25 ng hapon ng ideklara ang 2nd alarm nang mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan na karamihan ay gawa sa light materials.
Ayon sa ulat na 60 pamilya ang naapektuhan sa naganap na sunog.
Dakong alas-5 ng hapon nang ideklarang fire-out ang sunog.
Pansamantala namang nanuluyan sa basketball court ng Tanza National High School ang pamilya ng mga nasunugan.
Inaalam pa ng arson investigator ang sanhi ng pagsiklab ng sunog.