MANILA, Philippines — Ibinida ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang mga tagumpay na nagawa ng kanilang lungsod na kinilala sa loob at labas ng bansa, kasabay ng paggunita ng ika-106 anibersaryo ng pagkatatag ng lungsod, noong Disyembre 19.
“Firstly, as a local government unit envisioning itself to become a leading investment hub and a model smart city, we have achieved milestones and recognitions that prove we are stepping up the ladder of success year after year. Secondly, as a people, celebrating the triumphs and successes of our fellow Muntinlupenos - who, in their respective fields and own ways, helped make the city ‘nakakaproud’,” ani Biazon.
Kabilang sa natamong tagumpay ang Seal of Good Local Governance para sa 2023 na iginawad ng Department of Interior and Local Government (DILG), at ang Sustainable Development Goal Award sa City Climate Action Category ng global advocacy body CityNet, bukod sa iba pa.
Nakakuha rin ang Muntinlupa ng ikatlong puwesto sa resiliency at infrastructure at kinilalang panglima sa pinaka-competitive na LGU sa pangkalahatan sa bansa, bukod pa sa nabigyan ng “beyond compliant” na rating sa GAWAD KALASAG Seal para sa Local Disaster Risk Reduction and Management Councils and Offices Category.
Bukod dito, ginawaran ang lungsod ng Green Banner Seal of Compliance Award - ang pinakamataas na pagkilala na ibinigay sa mga LGU para sa mga sustainable intervention programs upang mapuksa ang malnutrisyon, lalo na sa mga bata.
Ang pagdiriwang ng ika-106 na Founding Anniversary ay kinilala rin ang mga kilalang retirado ng Lungsod, gayundin ang Top 3 Most Outstanding Employees mula sa pool ng 12 finalists.