MANILA, Philippines — Higit sa inaasahan ang naitalang mahigit 204,000 pasahero na dumagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) noong Sabado ng gabi, Disyembre 23.
Sinabi ni PITX corporate affairs and government relations head Jason Salvador, na ang kabuuang 204,647 pasahero na dumagsa sa PITX sa loob ng isang araw , ay ang pinakamataas na bilang sa kasaysayan ng PITX, sa panayam ng DzBB nitong Linggo.
Ang PITX ay inaasahang magsisilbi sa 2.6 milyong pasahero mula Disyembre 15, 2023 hanggang Enero 3, 2024 dahil sa tradisyon na pagsasama-sama ng mga pamilya sa Pasko at Bagong Taon.
Noong Dis. 21, nang magsagawa ng inspeksyon ang Metropolitan Manila Development Authority, Department of Interior and Local Government (DILG) sa PITX, gayundin ang Department of Transportation (DOTr) para matiyak ang seguridad ng mga biyahero.