MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga nang makumpiskahan ng kabuuang P187,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng Taguig City Police-Drug Enforcement Unit kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang mga suspek sa alyas na “Roman”, 35-anyos; at alyas “Mark”, 42- anyos.
Sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw ng Disyembre 3, nang maaresto ang mga suspek sa drug operation sa MLQ St., Purok 4, Barangay Lower Bicutan, Taguig City.
Nasamsam ng mga operatiba ang anim na heat-sealed plastic sachets ng shabu, na nagkakahalaga ng P187,000, dalawang piraso ng ?1,000 boodle money, isang itim na digital weighing scale, isang Realme cellular phone at ang P500 buy-bust money.
Nakapiit na ang mga suspek sa Station Custodial Facility ng Taguig City Police Station habang inihahanda ang isasampang kaso laban sa kanila dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.