3 police scalawags timbog sa IMEG

Kinilala ni PNP IMEG Director PBrig. Gen. Warren de Leon ang mga pulis na sina Pat. Michael Angelo L Basa, 30, nakatalaga sa 1st PMFC, Cabanatuan City, Nueva Ecija; PMSg Joey G Cauilan, 33, naka-assign sa Gattaran Municipal Police Station at PO2 Marvin Jay Allam Pagulayan, isang dismissed PNP member.
The STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Arestado sa mga tauhan ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang tatlong pulis na may mga nakabinbing kaso sa  korte sa iba’t ibang probinsya.

Kinilala ni PNP IMEG Director PBrig. Gen. Warren de Leon ang mga pulis na sina Pat. Michael Angelo L Basa, 30, nakatalaga sa 1st PMFC, Cabanatuan City, Nueva Ecija; PMSg Joey G Cauilan, 33, naka-assign sa Gattaran Municipal Police Station at PO2 Marvin Jay Allam Pagulayan, isang dismissed PNP member.

Ayon kay De Leon, dinakip ang tatlo batay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas  ng iba’t ibang korte.

Si Basa ay may nakabinbing kasong “grave threats” habang inireklamo naman si Cauilan  ng kanyang misis ng “non-support” at  “estafa” naman si Pagulayan.

Nilinaw ni De Leon, na ang pagpapatupad ng warrant of arrest laban sa mga pulis na may nakabinbing kaso ay bahagi ng kanilang kampanya na linisin ang hanay ng pulisya.

Ani De Leon, kailangan na papanagutin ang mga pulis. sa kanilang pag-uugali at kilos.

“Hindi titigil ang IMEG sa adhikain nito na malinis ang hanay ng kapulisan sa mga bulok nitong miyembro lalo na at nakakasira sila sa imahe ng pambansang pulisya.” ani De Leon.

Show comments