MANILA, Philippines — Nasa P47.7 milyon halaga nang iligal na droga ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Customs sa Port of NAIA at Philippine Drug enforcement Agency (PDEA) mula sa isang Bolivian national traveller sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Nabatid na unang nakatanggap ng tip mula sa international drug counter part ang mga awtoridad kung saan inantabayanan na ang pagdating ng dayuhan mula Addis Abada.
Kinilala ang drug mule na isang alyas Roberth Lavadrnz Alvarez, 30.
Natuklasan ang 10 plastic pouches sa kanyang bagahe na dito nakalagay ang 405 pirasong binalot ng wrap candy na may bigat na 8,999.11 grams na cocaine matapos itong dumaan sa x-ray machine ng customs.
Si Alvarez, ay dumating sa NAIA terminal 3 sakay ng Ethiopian Airline Flight ET644 mula Addis Ababa galing sa Sao Paulo, Brazil.
Na-inquest na sa Pasay City prosecutor’s office ang pasahero at itoy pansamantalang nakaditine sa PDEA main office, Quezon City.