Misis, kalaguyo huli sa akto ni mister

MANILA, Philippines — Ipinakulong ng isang mister ang kanyang misis at umano’y kalaguyo nito nang mahuli sa akto, kamakalawa ng gabi da loob ng kanilang bahay sa Novaliches, Quezon City

Sinampahan ng kasong adultery ni Rudy Quilloy, 32, construction worker at residente ng Paguio Compound Brgy. Sta. Lucia, Novaliches, Quezon City ang kanyang misis na si Rasmia, 40 at umano’y kalaguyo na si Jojo Alano, 42, ng brgy. Sta. Lucia, Quezon City.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni PMSg Arnel Campos ng QCPD Station 5, nadiskubre ni Rudy ang ‘pagtataksil’ ng misis at kalaguyo dakong alas- 7:40 ng gabi sa loob ng kanilang bahay mismo.

Dumating si Rudy at nakitang kapwa hubo’t hubad ang misis at si Alano.

Desidido naman si Rudy na ipakulong ang dalawa.

Show comments