MANILA, Philippines — Doble kasiyahan ang natanggap ng mga high school students na bukod sa parangal na ‘highest honors’ nakatanggap din sila ng cash incentives mula kay Caloocan City Mayor Along Malapitan.
Nabatid na personal na ipinamahagi ni Malapitan ang tseke na may lamang tig-?10,000 para sa 35 na mag-aaral na nakakuha ng pinakamataas na marka ngayong school year.
Ayon kay Malapitan, layon nitong parangalan ang dedikasyon ng mga estudyante sa pag-aaral.
Aniya, sa hirap ng buhay, edukasyon lamang ang magiging sandata ng mga estudyante upang matupad ang kanilang pangarap at maayos na buhay.
Umaasa ang alkalde na makatutulong ang cash incentive sa mga posibleng gastusin ng mga ito sa darating na pasukan, at gayundin para mahikayat ang ibang estudyante na mas pagbutihin pa ang kanilang pag-aaral.