‘Open House’ idaraos sa Manila Cathedral

Ngayong Araw ng Kalayaan

MANILA, Philippines — Para sa paggunita ngayon ng ika-125 anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas, idaraos ng makasaysayang Manila Cathedral ang “open house” sa Intramuros, Maynila.

“The cathedral will give the public access to areas that are usually off-limits such as the side chapels, crypt, and the choir loft from 9 a.m. to 6 p.m.,” ani Manila Cathedral rector Monsignor Rolly Dela Cruz ka­makalawa.

“The open house aims to make the people appreciate the Manila Cathedral’s rich history and contributions to culture. By making those ­otherwise-restricted ­areas accessible to the people, they will hopefully appreciate the effort that went into its reconstruction,” aniya pa.

Magiging available ang mga libreng guided tour ng alas-10:00 ng umaga.

Idaraos ang mga banal na misa sa ganap na ika-7:30 ng umaga at ika-12:10 ng hapon.

Mayroon ding Pipe Organ Mini Concert ng alas- 9:30 ng umaga at 1:30 ng hapon.

Show comments