MANILA, Philippines — Nagpaliwanag ang Bureau of Immigration (BI) sa mga pasaherong bumibiyahe sa ibang bansa hinggil sa napaulat na siksikan sa immigration departure area ng NAIA terminal 3.
Ayon kay Elsie Romero, BI Terminal head ng NAIA T3, na may sapat silang manpower na nakatalaga sa mga immigration counter sa Paliparan.
Paliwanag nito, bagama’t sapat ang kanilang tauhan sa airport, ang mahabang pila ng mga pasaherong ito ay hindi maiwasan dahil sa paglilipat ng ilang airline mula NAIA 1 patungong NAIA 3.
Ayon kay Lucero, ang paglipat sa NAIA 3 ng ilang airlines ay nagdulot ng 10-porsiyento na pagtaas sa average na bilang ng mga pasahero sa Terminal 3 kada araw.
Iniugnay din ni Lucero ang problema sa pagsisikip sa NAIA T3 sa iba pang mga kadahilanan, tulad ng limitadong espasyo, pagkaantala ng flight dulot ng masamang panahon, at ang madalas na pagdedeklara ng lighting alerts na nagreresulta ng sabay-sabay na pagbaba ng mga pasahero mula sa mga apektadong flight.