4 huli sa P408K halaga ng droga

Kinilala ang mga naaresto na sina Freniel Escote, alyas Ato, 32; Sylvia Docot, alyas Sev, 48; Edgar Manansala, 39; at Jeffrey Lucion, 30 .
Pixabay

MANILA, Philippines — Apat katao ang nalambat ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Makati City Police Station sa isinagawang buy-bust operation, sa Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina Freniel Escote, alyas Ato, 32; Sylvia Docot, alyas Sev, 48; Edgar Manansala, 39; at Jeffrey Lucion, 30 .

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi nang mada­kip ang mga suspek sa ikinasang drug-bust sa mga suspek sa Guadalupe Nuevo.

Nakuha mula sa mga suspek ang 60 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng ?408,000.00.

Nahaharap sila sa reklamong paglabag sa Sections 5 at 11, Republic Act 9165 (Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002).

Show comments