4 na Pasig River Ferry Station, isinara

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang operasyon ng apat na istasyon ng Pasig River Ferry System para sa isasagawang repair.

Batay sa advisory na nakapaskil sa MMDA Pasig Ri­ver Ferry Service Facebook page, ang Valenzuela, Maybunga, Lambingan at  PUP stations ay isinasaayos kaya pansamantala muna itong isasara.

Wala pang tiyak na petsa kung kailan muling magbubukas ang mga istasyon.

Samantala, patuloy lang ang operasyon, para magsilbi sa mga pasahero, ng siyam pang stations na kinabibilangan ng Pinagbuhatan, Sa Joaquin, Kalawaan, Guadalupe, Escolta, Sta. Ana. Lawton, Quinta at Hulo.

Show comments