Parcel na naglalaman ng 5 kilo ng opium nasabat

Ang nadakip na Indian national na kumuha ng parcel na naglalaman ng opium poppy.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang parcel na naglalaman ng humigit-kumulang sa limang kilong opium ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs at NAIA PDEA-IADITG sa Central Mail Exchange Center(CMEC) sa Domestic Road. Pasay City.

Ang parcel ay padala ng isang Sammee Singh mula Navarro De Haro, Murcia, España/Spain na idineklarang Cereals Corn flakes.

Naaresto naman ang consignee na si Amandeep Singh, Indian national, 37, negosyante at residente ng  Chester Place Subd., Burol, Dasmariñas, Ca­vite.

Inaalam pa ang halaga ng nasabat na opium.

Naiturn-over na ng Bureau of Customs Port of NAIA sa PDEA-IADITG ang mga nasabat na opium.

Hawak na rin ng NAIA-PDEA ang clai­mant ng parcel para sa malaliman imbestigasyon at pagsasampa na rin ng kaukulang kaso laban sa suspek.

Show comments