Operasyon ng NAIA T3 nahinto dahil sa brownout

Passengers crowd the departure lobby while others set up camp inside the Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 in Pasay City on Jan. 2, 2023.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Halos walong oras dumanas ng power ou­tage ang Ninoy Aquino Internation Airport (NAIA) Terminal na nagdulot na paghinto sa operasyon at ma-stranded ang libu- libong pasahero.

Dahil dito maraming flight ang naapektuhan na dahilan rin ng delay sa mga parating at papaalis na eroplano sa paliparan.

Karamihan sa ­reklamo ng mga pasahero ay mainit at walang mabilhan ng pagkain ang mga pasaherong na-stranded at mga empleyado dahil sa higit walong Oras na pagkawala ng supply ng kuryente.

Matatandaang pasado ala-una ng madaling araw nang magkaroon ng power outage sa Terminal 3 ng paliparan at naibalik lang ang supply ng kuryente alas-8:54 na ng umaga.

Nagsagawa ng inspeksyon si DOTr secretary Jaime Bautista at MIAA General Manager Cesar Chiong sa mga pasilidad ng paliparan para alamin ang sitwas­yon ng mga pasahero.

Bumisita rin si Bautista ang immigration counters para mapabilis ang usad ng mga pasahero.

Show comments