MANILA, Philippines — Ratsada na simula ngayong araw, Mayo 2 ang pilot implementation ng single ticketing system para sa mga paglabag sa trapiko sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay MMDA spokesperson Melissa Carunungan na susubukin muna nila ang sistema sa mga piling lugar upang matukoy ang anumang lapses o adjustments bago ito ilunsad sa buong rehiyon.
Pitong lungsod sa Metro Manila ang dapat sana ay lalahok sa pilot implementation kabilang dito ang Maynila, Quezon City, Parañaque, Muntinlupa, Caloocan, Valenzuela, at San Juan.
“Ito ay magiging malaking ginhawa para sa mga motorista dahil sa loob ng single ticketing system, ang top 20 most common traffic violations ay may pare-parehong multa, contesting procedures, at digital payment platforms kagaya ng GCash, Maya, at Landbank,” ani Carunungan.
Kasama sa Metro Manila Traffic Code of 2023, na magsisilbing guidelines para sa system, ang mga parusa para sa mga sumusunod na paglabag sa trapiko:
Disregarding traffic signs, illegal parking (attended and unattended),
number coding UVVRP, truck ban, light truck ban, reckless driving, unregistered motor vehicle,driving without license, tricycle ban, obstruction, dress code for motorcycle, overloading, defective motorcycle accessories, unauthorized modification, arrogance/discourteous conduct (driver),loading and unloading in prohibited zones,illegal counterflow at overspeeding.
Ang multa para sa mga paglabag ay mula P500 hanggang P5,000, ayon sa MMDA.
Sinabi ni Carunungan na maglalagay din ang MMDA ng 900 enforcer para sa pagpapatupad ng single ticketing system.