^

Metro

Pilot run ng NCR single ticketing system, simula na sa Mayo 2

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Pilot run ng NCR single ticketing system, simula na sa Mayo 2
Ang 17 mayors sa Metro Manila, kasama ang Land Transportation Office (LTO), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) kaugnay sa nakatakdang pagpapatupad ng single ticketing system
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nakatakda nang si­mulan sa Mayo 2 ang pilot run ng single ticketing system sa National Capital Region (NCR).

Ito’y kasunod nang paglagda ng 17 mayors sa Metro Manila, Land Transportation Office (LTO), at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kahapon sa isang memorandum of agreement (MOA) na magpapatupad sa single ticketing system para sa mga paglabag sa batas trapiko sa rehiyon.

Isinagawa ang pag­lagda sa Memorandum of Agreement (MOA) sa Danilo Lim Conference Room ng MMDA New Building sa Pasig City.Bukod sa 17 alkalde ng 16 na lungsod at isang bayan sa NCR, sa pa­ngunguna ni San Juan City Mayor at Metro Manila Council (MMC) President Francis Zamora, dumalo rin sa naturang MOA signing sina Senior Deputy Executive Secretary Atty. Hubert Guevarra, LTO Chief Atty. Jay Art Tugade, MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes, at Sen. Francis Tolentino, na dati ring chairman ng MMDA.Nilinaw naman ni Zamora na pito lamang munang lungsod ang lalahok sa pilot run ng sistema. Kabilang dito ang Maynila, Quezon City, Parañaque, Muntinlupa, Caloocan City, Valenzuela City, at San Juan.

Ayon naman kay Artes, layunin ng pilot testing na matukoy kung may bahagi ba ng sistema ang  nangangailangan ng pagbabago upang kaagad itong maisaayos bago tuluyang ipatupad sa buong rehiyon.

Alinsunod sa Metro Manila Traffic Code of 2023 na nilagdaan ng mga alkalde, tinukoy ang 20 common traffic violations sa Metro Manila at pinag-isa o standardized na multa para sa mga ito.

Kabilang dito ang illegal parking; overloading; defective motor vehicle accessories; dress code violations; obstruction; at disregarding traffic signs, number coding, truck bans, at tricycle bans.

Bukod dito, nilagdaan din umano ng mga mi­yembro ng MMC at ng mga government agencies ang isang data privacy agreement para sa pagbabahagi ng impormas­yon ng mga motorista.

 

SINGLE TICKETING SYSTEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with