Ika-32 bangkay sa nasunog na barko, narekober - PCG

MANILA, Philippines — Umakyat na sa 32 katao ang kumpirmadong nasawi sa sunog sa isang pampasaherong barko sa Basilan makaraang marekober ng Philippine Coast Guard (PCG) ang labi ng isa pang lalaki kahapon ng umaga.

Kinilala ng PCG ang bangkay na si Alses Hassan, isa sa dalawang nawawalang pasahero ng MV Lady Mary Joy 3.

Nabatid na dakong alas-9 ng umaga nang matagpuan ang labi ni Hassan sa katubigan malapit sa Langgas Island sa Maluso, Basilan.

Dinala na ang bangkay sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) para sa maayos nitong disposisyon.

Sa kasalukuyan, nakapagtala ang PCG ng 216 survivors at may 32 nasawi na may 15 narekober sa dagat at 17 narekober sa loob ng barko.

Show comments