Number coding sa Makati City, suspendido sa Abril 6,7 at 10

MANILA, Philippines — Suspendido ang number coding scheme sa lungsod ng Makati City  sa mula Abril 6, 7 at Abril 10.

Nitong Biyernes, nagpalabas ng advisory ang Makati City government na nag-anunsyo hinggil sa pagsuspinde ng ng number coding scheme, na hiwalay sa ipatutupad naman ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) sa iba pang mga lungsod sa National Capital Region (NCR).

Una nang nag-anunsyo ang MMDA na sususpendihin ang Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Metro Manila mula Abril 6 hanggang Abril 10.

Ang Abril 6 at 7 ay regular holidays habang ang Abril 8 (Black Saturday) ay special non-working holiday.

Show comments