P6.8 milyong shabu nasamsam: Kelot arestado

MANILA, Philippines — Nakasamsam ang mga tauhan ng Quezon City Police ng isang  kilo ng  shabu  na nagkakahalaga ng nasa P6.8 milyon sa isinagawang drug bust operation, ka­makalawa.

Nadakip sa operas­yon si Milky Acala, 27, ng Barangay Batasan Hills, ­Quezon City.

Ang suspek ay nasa custody na ng pulisya at  kakasuhan na ng drug trafficking.

Samantala, nahuli rin ng pulisya ang isang Jessie Agreda, 39, sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa  Comprehensive Dangerous Drugs Act. Si Agreda ay wanted dahil sa kaso sa illegal drugs.

Show comments