MANILA, Philippines — Inaasahang magkakaroon ng bahagyang pagtaas sa mga presyo ng diesel at gasolina sa Martes, Pebrero 21.
Sinabi ng ilang industry experts nitong Sabado, na sa diesel tinatayang magkakaroon ng pagtaas sa presyo, na nasa P0.70 hanggang P0.90 kada litro.
Samantala, ang presyo naman ng gasolina ay maaaring tumaas ng mula P0.50 hanggang P0.70 kada litro.
Sa kabilang dako, ang presyo naman ng kerosene ay maaring maging steady lamang o bumaba pa ng hanggang P0.15 kada litro.
Matatandaang dalawang magkasunod na linggo na nagkaroon ng tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.