^

Metro

5 huli sa higit P150K shabu

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit sa P150K halaga ng shabu ang nasamsam sa magkakahiwalay na ‘Oplan Galugad’ na isinagawa sa Taguig at Makati, ka­makalawa.

Kinilala ni Southern Police District (SPD)  P/Brig. General Kirby John Brion Kraft ang mga naarestong sina Ronnel Caña, 36; Jay-Ar Francisco, 32 ; Michael Joseph Mejia, 38; Benjamin Afable alyas Pepsi, 23;  at Liam Carlo Reyes, 24.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon kamaka­lawa  nang madakip sa M. Tanyag Ave., Barangay South Signal Village, Taguig City ng Taguig City Police Sub-Station 6 nang mati­yempuhan  sa isinagawang Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement ­Operation (SACLEO) Oplan Galugad, sina Caña at Francisco. Nakuha sa kanila ang nasa 7.25 gramo ng shabu na may katumbas na halagang P49,300.00.

Bandang alas-3:30 ng hapon ng maaresto naman si Mejia sa Magnolia St. corner Southsea St. Brgy Rizal, Makati City, ng Bantay Bayan ng Brgy Rizal  sa kanilang pagpapatrulya. Nagkaroon pa ng maikling habulan bago nakorner at narekober ng nasa 4.92 gramo ng shabu si Mejia na nagkakahalaga ng P33,456.00.

Sa buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Makati City Police Station naaresto sina alyas Pepsi at Reyes, na nakuhanan ang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000.00.

OPLAN GALUGAD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with