MANILA, Philippines — Ipaghaharap na ng reklamo ng Bureau of Correction (BuCor) ang mga responsable sa paghuhukay sa New Bilibid Prison (NBP) matapos ideklara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na illegal quarrying ang ginawa dito.
“Based on that report, I will already submit a final report to the secretary na ito’y illegal quarrying and we will file complaints or cases against those who extracted it or who authorized the extraction of this,” ani BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang.
“Pero anyway, inadmit naman nila na hinukay nila ‘yan so kilala na natin kung kanino nila ipa-file ‘yung kaso,” dagdag niya.
Kabilang aniya, sa posibleng makasuhan si suspendidong BuCor chief Gerald Bantag na umaming ang paghuhukay ng NBP ay para sa isang scuba diving pool na pinondohan ng Agua Tierra Oro Mina Development (ATOM) Corporation.