Tapyas-presyo sa petrolyo, asahan sa susunod na lingo
MANILA, Philippines — Sa ikatlong sunod na linggo, magkakaroon muli nang pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo na maaaring umabot ng hanggang P2 kada litro.
Ayon sa mga kompanya ng langis, ang presyo ng kanilang produktong diesel ay posibleng magbaba ng may P1.70 hanggang P2 kada litro habang ang presyo ng gasolina ay bababa ng P1.90 hanggang P2.10 kada litro.
Maaari namang umabot sa P1.30 hanggang P1.60 ang ibaba sa kada litro ng kerosene.
Ang pagluluwag ng China sa COVID-19 restrictions ang isa sa dahilan ng oil price rollback.
Kadalasang araw ng Martes, ipinatutupad ang paggalaw sa presyo ng petrolyo.
- Latest