Bonus sa Maynila, maagang ipamamahagi

Saad ni Manila Mayor Honey Lacuna, maaga nilang ibibigay ang nasabing bonus para mapaghandaan ng maaga habang mas mura pa ang mga bilihin at maging masaya ang Pasko ng kanilang empleyado.

MANILA, Philippines — Maagang ipamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang “year-end bonus” ng kanilang mga kawani ngayong Nobyembre upang mas maagang mapag­handaan ang pamimili para sa darating na Kapaskuhan.

Inihayag ito ni Manila Mayor Honey Lacuna na nagsabing sa Nobyembre 18, uumpisahang ipamahagi ang bonus ng lahat ng tauhan ng lokal na pamahalaan.

“Ito palagi naman nating ginagawa, pero alam kong iniintay na ninyo. Sa darating na November 18 ay matatanggap na ninyo ang inyong year-end bonus,” anunsyo ni Lacuna sa isinagawang Monday flag-raising ceremony sa Kartilya ng Katipunan.

Saad ni Lacuna, maaga nilang ibibigay ang nasabing bonus para mapaghandaan ng maaga habang mas mura pa ang mga bilihin at maging masaya ang Pasko ng kanilang empleyado. Dahil dito, tinatawagan niya ng pansin ang mga namumuno sa bawat departamento ng lokal na pamahalaan ng Maynila na ayusin na ang kinauukulang dokumento para matanggap na ng kanilang kawani ang bonus.

Show comments