Sanggol sa Navotas lunod sa ilog nang makatulugan ng ina; bata patay

Navotas City had a population of 249,464 in 2015.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Nalunod ang isang sanggol na lalaki hanggang sa mamatay sa Lungsod ng Navotas matapos matagpuang lumulutang sa isang ilog ilang sandali matapos gumising ang kanyang ina.

Sa ulat ni PCol. Dexter Ollaging, chief of police ng Navotas City Police Station, bandang 1:30 p.m. nang Martes nang mangyari ang insidente malapit sa ilog sa Kahunari 1 St., Brgy. San Jose.

"Initial investigation revealed that prior to the above-cited time date and place of occurrence witness fell asleep together with the victim," ayon sa report ng pulisiya.

"Thereafter, when she woke up, she noticed that the victim was not on her side. At this juncture, the witness started searching the latter and tried to ask her relatives living adjacent to their house but it yielded negative."

Ilang sandali lang, nakita nila ang sanggol na lumutang sa ilog dahilan para agad humingi ng tulong ang ina sa kanyang pinsan na siyang lumusong para sagipin ang biktima.

Tinukoy naman ang imbestigador sa kaso bilang si PCpl. Florencio Nalus.

"The victim rushed at Navotas City Hospital but was declared dead on arrival by his attending physician, Dr. Julia Ganoso at about 3:00PM of same date," dagdag pa ng ulat.

"Cadaver of the victim was facilitating by Nate Funeral Homes."

Maglalabas naman daw agad ng karagdagang impormasyon at progress report ang otoridad patungkol sa insidente. — James Relativo

Show comments