3 ‘tulak’ timbog sa buy-bust  

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Rolando Cruz, alyas Olan, 46; Norlito Lopez, alyas Ohle, 56, at Jerry Camposano, alyas Kuya, 46.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Kalaboso ang tatlong ‘tulak’ sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Rolando Cruz, alyas Olan, 46; Norlito Lopez, alyas Ohle, 56, at Jerry Camposano, alyas Kuya, 46.

Ayon kay  Barot, dakong alas-4 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust operation sa Herrera Alley, Brgy. Ibaba.

Nagawang makipagtransaksyon ng isang undercover police kay Camposano ng P500 halaga ng droga hanggang kalawitin ito kasama sina Cruz at Lopez.

Nakuha sa mga suspek ang nasa 7.8 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P53,040 gayundin ang buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Show comments