MANILA, Philippines — Personal na nag-abot ng tulong sa may 382 pamilyang nasunugan sa Sta. Cruz, Maynila sina Manila Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo nitong Sabado.
Ayon kay Lacuna, ang bawat pamilyang naapektuhan ng sunog ay pinagkalooban ng tig-P10,000 tulong pinansiyal, gayundin ng mga food packs at hygiene kits.
Ani Re Fugoso,ng Social Welfare head sa Maynila head na inatasan siya ng alkalde na bilisan ang pagkakaloob ng mga kinakailangang tulong sa mga fire victims na naninirahan sa P. Guevarra St. sa Sta. Cruz, na sakop ng Barangay 311.
Pinasalamatan din naman ni Re Fugoso ang barangay officials sa lugar, sa pangunguna ni Chairman Randy Guillero dahil sa pagtulong sa city government sa pagtukoy ng mga pamilyang nabiktima ng sunog, at pagbibigay ng update sa sitwasyon ng mga ito.