Libreng swab test binuksan muli sa Navotas City

Ayon kay Mayor John Ray Tiangco, isang pa­raan ito para mapigilan pa ang pagkalat ng virus.
The STAR/Walter Bollozos, file

Dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19

MANILA, Philippines — Muling binuksan ng Navotas City LGU ang ­libreng swab test kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga nahahawaan ng virus sa lungsod.

Ayon kay Mayor John Ray Tiangco, isang pa­raan ito para mapigilan pa ang pagkalat ng virus.

Sa lahat ng mga nakasalamuha ng mga nagpositibo ay agad itong dinadala sa swab testing center para doon isailalim sa test. Ang Tumana Health Center ang itinakdang lugar para sa libreng swab test.

Hindi lamang ang mga nahahawaan ng virus ang siyang libre sa swab test, bagkus ma­ging ang mga manggagawa ay hindi rin pagbabayarin ng lokal na pamahalaan.

Bukod sa RT-PCR test, nagsasagawa rin ng libreng Antigen test ang Tumana Health Center.

Show comments