MANILA, Philippines — Hinabaan ng 30 minuto ang oras ng biyahe ng LTR-2 mula kahapon, Hunyo 17.
Ayon sa pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA), ang pagpapalawig sa operating hours ng tren ay upang mabigyang daan ang pagseserbisyo sa mas maraming mga pasahero.
Mula sa original operating hours nitong hanggang 8:30 ng gabi, ang huling commercial train na aalis mula sa Antipolo station ay hanggang alas-9:00 na ng gabi.
Ang huling commercial train na aalis naman sa Recto station ay hanggang alas-9:30 ng gabi mula sa dating alas-9 ng gabi.
Ayon sa LRTA, minabuting habaan ang operasyon ng tren para ma-accommodate ang dagdag na mga empleyado na bumalik sa onsite work at mga mag-aaral na nasa face-to-face classes.