Granada natagpuan sa riles ng tren sa Maynila

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Sampaloc Police Station 4, dakong alas-5:55 ng hapon nang madiskubre ang granada ng isang residente sa PNR Railroad track sa Algeciras St. cor. Simoun St. sa Sampaloc kung saan isinuko ito kay Barangay Kagawad Melliano Alfonso, 41.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang granada ang natagpuan ng isang residente sa may riles ng Philippine National Railways (PNR) sa Sampaloc, Maynila  kamakalawa.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Sampaloc Police Station 4, dakong alas-5:55 ng hapon nang madiskubre ang granada ng isang residente sa PNR Railroad track sa Algeciras St. cor. Simoun St. sa Sampaloc kung saan isinuko ito kay Barangay Kagawad Melliano Alfonso, 41.

Isinuko naman ni Alfonso sa SIBAMA Police Community Precinct na tumawag naman ng responde mula sa Explosive and Ordnance Division (EOD) ng MPD para matiyak na hindi na puputok ang granada.

Show comments