MANILA, Philippines — Tatanggap ng P500 kada buwan ang mga qualified indigent senior citizens, solo parents at PWDs ng Quezon City bilang financial assistance mula sa lokal na pamahalaan sa loob ng isang taon.
Ito ay makaraang lagdaan at aprubahan ni QC Mayor Joy Belmonte ang Ordinance No. SP-3115, S-2022 na tutulong sa mga gastusin ng mga nabanggit.
“Isa itong paraan para mapagaan ang epekto ng pandemya at pagtaas ng presyo ng bilihin, lalo na sa mga senior citizens, solo parents at PWDs. Malaki ang maitutulong nito para sa kanilang araw-araw na gastusin sa pagkain, gamot at iba pang pangangailangan,” pahayag ni Mayor Belmonte.
Pinapurihan din niya si Vice Mayor Gian Sotto at ang konseho sa pagpasa sa naturang ordinansa na nagbebenepisyo sa mga indigent senior citizens, solo parents at persons with disabilities na hindi pa nakakatanggap ng benepisyo mula sa alinmang regular government financial assistance tulad ng social pension, cash transfer program at iba pa.
Isa lamang beneficiary kadabahay ang maaaring makakuha ng financial assistance.