MANILA, Philippines — Pinarangalan ng Kinatawan ng Panitikan ang may 24 grupo at indibiduwal na may natatangi at mahalahang papel sa panitikan sa bansa sa Araw ng Parangal 2022 na isinagawa sa Rembrant sa Quezon City, kahapon ng umaga.
Ang programa na may temang “Muling Pagtuklas sa Karunungan ng Bayan” ay bahagi ng selebrasyon sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan ngayong Abril.
Sinabi ni Jomar Canega head ng Sangay ng Edukasyon at organizer ng Araw ng Parangal 2022, sa buong buwan ng Abril ay nagsagawa sila ng webinar at lecture tungkol kay Emilio Jacinto at Francisco Balagtas bukod sa pagpaparangal sa may 27 state universities na nagpapakilala ng kahalagahan ng panitikan.
Anya ang kanilang samahan ang tanging kumikilala sa mga organisasyon at indibidwal na nagpapalawak ng kaalaman sa panitikan ng katutubong wika.
Umaasa rin siya na lalong mapasigla ang pakikiisa ng publiko at lahat ng sektor upang higit na lumawak ang partisipasyon sa panitikan.