Quimbo, nangunguna sa Marikina

MANILA, Philippines — Kulang tatlong linggo bago ang halalan sa Mayo 9, hindi natitinag si Marikina Rep. Stella Alabastro-Quimbo na nangungunang kandidato bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng lungsod na lamang na lamang sa kanyang mga katunggali.

Ayon sa pinakabagong survey ng Philippine Survey and Research Center (Psrc) na isinagawa mula Marso 25 hanggang Abril 4, 2022, napanatili ni Quimbo, na kilala bilang “Teacher Stella” sa kanyang distrito, ang kalamangan sa lahat ng pitong barangay at mga grupong demograpiko kung saan 81% ng respondents ang nagsabi na iboboto nila siya kung naganap ang eleksiyon sa panahong ginawa ang survey.

Samantala ang kanyang mga kalaban sa puwesto ay sina Del de Guzman (11%) at Mauro Arce (4%) habang 4% undecided at walang abstention.

Ang bagong survey ay tumutugma sa mga naunang isinagawa ng Psrc kung saan numero uno si Quimbo para sa mga respondent ng Barangays Concepcion Uno, Tumana, Nangka, Parang, Fortune, Marikina Heights, at Concepcion Dos.

Mula nang mahalal noong 2019, nakapaghain si Quimbo ng mahigit 300 panukala, kabilang ang Accelerated Recovery and Investment Stimulus for the Economy (ARISE) at Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) na dahilan upang palayawan siyang “Ayuda Queen.”

Show comments