‘No work, no pay’ workers, tututukan ng LUNAS Partylist

Nagpahayag ng buong suporta para sa LUNAS ang buong TLC Team sa pangunguna ni Taguig 2nd district Cong­w.  Cayetano na ngayon ay tumatakbong Mayor muli ng Taguig. Ang dalawa pang nominee ng LUNAS ay sina Taguig 1st District Councilor Darwin Bernabe Icay at Monica Ann Mitra. Numero 58 ang LUNAS sa balota sa darating na halalan sa Mayo.
Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Ang kapakanan ng mga ‘no-work, no-pay’ workers ang unang pagtutuunan ng pansin ng LUNAS Partylist, ayon kay dating House Deputy Secretary General at ngayon ay LUNAS Partylist first nominee Brian Raymund Yamsuan. Pinaliwanag ni Yamsuan ang mga adhikain ng LUNAS sa mahigit na 15,000 katao na dumagsa sa Grand Proclamation Rally ng Team Lani Cayetano (TLC) at LUNAS Partylist sa Lakeshore C6 Road, Taguig City noong Biyernes ng gabi, Marso 25.

Show comments