Kelot utas sa dating dyowa ng ka-live in

Kinilala ang nasawi na si Arnel Dadivad, 43, residente ng Gasangan, Baseco Compound, Brgy. 649 Port Area, Maynila.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Utas ang isang 43-anyos na lalaki nang pagsasaksakin ng dating karelasyon ng ka live-in sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, Biyernes ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Arnel Dadivad, 43, residente ng Gasangan, Baseco Compound, Brgy. 649 Port Area, Maynila.

Agad namang naaresto ang suspek na si Rolando Ortillo alyas Baleleng , 33, construction worker at residente ng Brgy. 101 Katuparan, Tondo, Maynila.

Sa ulat ni P/Corporal Rodolfo Acosta III ng MPD-Homicide Section, alas-2:55 ng mada­ling araw nitong Marso 18, nang makita ng isang testigo si Ortillo kasama ang isang John Dapulag.

Habang nasa loob umano siya ng CR ay narinig niya ang komosyon at nang alamin ay nakita niyang may hawak  nang patalim si Ortillo habang pinagsasaksak ang biktima.

Isinugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center subalit idineklarang dead on arrival.

Sa imbestigasyon, bago ang insidente, nakipag-inuman pa umano sa mga kaibigan ang biktima at suspek at makalipas ang ilang oras, nakitang nagsisigaw na ang suspek at pinasok ang bahay ng biktima kung saan pinagsasaksak ito. Nakatakbo pa palabas ng bahay ang biktima bago ito tuluyang tumumba  sa daan.

Tumakas ang suspek na nadakip din sa isinagawang follow-up operation ng pulisya.

Hinihinalang selos ang motibo sa insidente kung saan ang suspect ay dating kinakasama ng ka-live in ngayon ng biktima.

Show comments