Mag-live-in pinasok sa bahay, niratrat: 1 patay, 1 sugatan

Sa inisyal na ulat ng Station Tactical Operation Center ng Taguig City Police Station, ang nasawi ay kinilalang si Richard Profitales, ng Bagong Silang St., Barangay Tuktukan, Taguig City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang 27-anyos na dating drug suspect ang nasawi habang sugatan naman ang kanyang live-in partner nang pasukin sa kanilang bahay at saka pagbabarilin ng dalawang hindi pa kila­lang lalaki sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na ulat ng Station Tactical Operation Center ng Taguig City Police Station, ang nasawi ay kinilalang si Richard Profitales, ng Bagong Silang St., Barangay Tuktukan, Taguig City.

Naisugod naman sa pagamutan ang kaniyang kinakasamang si Shai­ra Marie Isip, 25-anyos, residente rin ng nasabing address.

Sa salaysay, sapilitan umanong pumasok sa silid ng mga biktima ang dalawang suspect at walang sabi-sabing pinaputukan ang mga ito.

Bagama’t isang tama lang ang tinamo ni Ri­chard ay dead on the spot na ito habang sa kaliwang hita lamang ang tama ni Shaira Marie.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa pangyayari para matukoy ang pagkilanlan ng mga suspek at motibo sa krimen.

Inaalam din kung may kaugnayan sa iligal na droga ang insidente.

Ayon sa pulisya si Richard ay naaresto noong 2019 sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments