MANILA, Philippines — Muling inilunsad ng Quezon City government ang Men Opposed to Violence against Women Everywhere (MOVE) upang matugunan ang gender-based violence sa lungsod.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, layunin ng programa na mahikayat ang mga lalaki na labanan ang karahasan sa mga kababaihan.
Ayon kay Belmonte, zero tolerance aniya ang kanyang administrasyon sa anumang uri ng karahasan sa mga kababaihan.
“Para maging matagumpay ang ating kampanya laban sa karahasan, kailangan kasama natin sa ating panig ang mga kalalakihan. Kailangan maging committed sila na hindi kailanman papayag o palalampasin ang pang-aabuso sa mga bata at kababaihan,” pahayag ni Belmonte.
Nabatid na noong 2021, aabot sa 3,981 kaso ng physical at verbal abuse, sexual harrasment sa mga babae sa lungsod.
Ayon kay Belmonte, nagtatag na ang Quezon City government ng QC Protection Center, Bahay Kanlungan, temporary shelter for women, children at LGBTQIA+ para sa mga biktima ng pang-aabuso at karahasan.