MANILA, Philippines — Tinatayang nasa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na umano’y ‘tulak’ sa Southville 3, Poblacion, Muntinlupa, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni Southern Police District (SPD) director P/BGEN Jimili Macaraeg, nadakip dakong alas-8:20 ng gabi kamakalawa sa isinagawang drug operation sa nabanggit na barangay sina Marco Anthony Panibe, 30; Romnick Misloso, 22; Ernesto Landing, 25; at isang saleslady na si Dreyven Aubrey Vilasco, 21.
Nasamsam sa mga suspek ang mahigit sa 500 gramo ng shabu.
“This notable accomplishment shows our full support in the campaign against illegal drugs. Let us continue our dedication and commitment in service in fighting the illegal drug menace in our country,” ani Macaraeg.