Mga kasong inihain sa piskalya sa Dacera case, dinismis
MANILA, Philippines — Dinismis ng Makati City Prosecutor’s Office ang mga reklamo na may kaugnayan sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.
Kabilang dito ang reklamong may kaugnayan sa ilegal na droga laban sa mga kasamahan ni Dacera at ang perjury o libel na inihain naman laban kay Sharon Dacera, ina ni Christine.
Ibinasura rin maging ang reklamong isinampa ng National Bureau of Investigation’ (NBI) sa pagbibigay ng ilegal na droga laban sa mga kasamahan ni Christine dahil sa kawalan ng ebidensya, at pagiging negatibo ng dalaga sa drug use.
Ang reklamong tangkang pagdeliber ng ilegal na droga ay ibinasura rin dahil sa kawalan ng isinumiteng ebidensiya.
Absuwelto naman si Dr. Michael Nick Sarmiento, medico-legal officer ng Philippine National Police, sa falsification dahil sa ibinatay lamang ang findings sa nakitang ebidensiya o aortic aneurysm.
Nadismis din ang perjury at reckless imprudence resulting in homicide complaint laban sa ilang kasamahan ni Dacera.
Gayundin, ang pagbasura sa mga reklamo laban kay Sharon Dacera na inihain ng mga kasamahan ni Sharon, kabilang ang illegal detention, arbitrary detention, unlawful arrest, unjust vexation, perjury, slander, libel, cyberlibel at incriminating innocent person.
Sinabi ni Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar na wala nang nakabinbing reklamo sa Makati Prosecutor’s Office kaugnay Dacera case.
- Latest