Motorsiklo salpok sa trak: Rider utas

MANILA, Philippines — Isang 34-anyos na rider ang nasawi nang sumalpok sa isang 22-wheeler na truck ang sinasakyan nitong motorsiko sa pababang bahagi ng Osmeña-Buendia Flyover, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Corporal Dan Sherwin Joven, may hawak ng kaso, ang nasawi na si Alan John Ramos Sobrevinas, empleyado, at ng Brgy. Salinas 1, Bacoor, Cavite.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng trak na kinilalang si Gomer Masilog Auxillo, 35, ng  Caloocan City.

Dakong ala -1:40 ng madaling araw ng maganap ang insidente habang binabagtas ng trak ang flyover nang biglang bumagal ang takbo  kung saan kasunod naman nito ang Yamaha XMAX na pinatatakbo ng biktima na sumalpok sa dulong bahagi ng trak at bumagsak sa kanang bahagi ng flyover.

Naisugod pa sa Pasay City General Hospital ang biktim subalit idineklarang dead-on-arrival.

Inihahanda na ang pagsasailalim sa inquest proceedings sa Makati Pro­secutor’s Office laban kay Auxillo kaugnay sa  “Road Crash Accident Resulting in Homicide and Damaged to Property.”

Show comments